Kapulisan ng Northern Mindanao, nakaalerto dahil sa anibersaryo ng New People’s Army

59

Manila, Philippines – Nakaalerto ngayon ang kapulisan ng Northern Mindanao hinggil sa ika-48 taong anibersaryo ng New People’s Army bukas.

 

Ayon kay Police Regional Office 10 Spokesperson Lemuel Gonda na nagsimula ang full alert status ng kapulisan noon pang Marso 24.

 

Patuloy rin ang ginagawang koordinasyon ng kapulisan at militar para manatiling mapayapa ang boong Rehiyon 10.

 

Samantala, patuloy rin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa tatlong lalaking nadakip sa isang inn sa barangay kauswagan dito sa siyudad na mga miyembro umano ng teroristang grupong Maute.



Facebook Comments