Manila, Philippines – Nagbabala ang Partylist Bloc na kapag nagbitiw sina Pangulong Duterte, Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay walang ibang magiging masaya dito kundi si Vice President Leni Robredo.
Ang reaksyon na ito ay kasunod ng hamon ng Pangulo kina Morales at Sereno na sabay-sabay silang magbitiw sa pwesto.
Paliwanag ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, kapag umalis si Robredo ay iiral ang rules of succession kung saan kapag nagbitiw si Duterte, automatic na ang papalit ay ang Bise Presidente salig na rin sa itinatakda ng Saligang Batas.
Nangangahulugan din ito na si Robredo na ang magtatalaga ng bagong Ombudsman at bagong Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon naman kay ABS Rep. Eugene Michael De Vera, walang ligal na balakid sa tatlong mataas na opisyal kung gusto nilang magresign pero hindi maaaring pilitin ang sinuman na magbitiw dahil ito ay personal desisyon.