Congressman Napoleon “Pol” Dy ng Ikatlong Distrito ng Isabela, Nagsumite na ng COC sa Posisyong Gobernador!

Cauayan City, Isabela – Pormal na tinanggap kaninang umaga ng Comelec Provincial Office  ng lalawigan ng Isabela ang certificate of candidacy ni 3rd. District Congressman Napoleon “Pol” Dy sa posisyong gobernador sa darating na eleksyon.

Sa pagtutok ng RMN Cauayan ay sinabi ng kongresista na layunin ng kanyang pagtakbo bilang gobernador ng Isabela ay upang ipaalam umano sa mga isabelenyo ang mga isyu ng pamamahala sa lalawigan ng Isabela.

Isa sa kanyang ipinunto ay ang isyu ng Divilacan-Ilagan Road Project na aniya’y isang overpriced, half-finished, anti-environment at punung-puno ng irregularidad.


Samantala, kanyang inihayag na magiging katiket niya si dating Comelec Commissioner, dating governor at dating media personality Grace Padaca.

Napabalita na kanyang makakatunggali sa kaparehas na posisiyon si Isabela 1 st District Congressman Rodito Albano na magiging katiket niya sa pagka bise gobernador ang incumbent governor na si Governor “Bojie” Dy.

Matatandaan na ilang beses nang magkatunggali sa larangan ng politika sina Grace Padaca at Faustino “Bojie Dy III dito sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments