Congressman Teves, dapat munang umuwi ng bansa bago humirit ng leave of absence

Ayon kay House Secretary Gen. Reginald Velasco, dapat munang umuwi ng Pilipinas si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., bago ito humirit ng “leave of absence” sa Mababang Kapulungan.

Sabi ni Velasco, nakasaad sa liham na tugon ni Teves sa House House Committee on Ethics and Privileges na nais nitong magleave of absence, hanggang sa panahong mabawasan o mawala na ang umano’y banta sa kanyang buhay.

Kahapon ay napaso na ang 60-araw na suspensyon na ipinataw ng Kamara kay Teves.


Bunsod nito ay inihayag naman ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares na ipagpapatuloy nila sa May 29 ang pagdinig sa kaso ng patuloy na AWOL o absence without leave ni Teves.

Binanggit ni Espares na kasunod nito ay magsusumite muli ng rekomendasyon ang komite sa Plenaryo ukol sa susunod na aksyon kay Teves.

Facebook Comments