Manila, Philippines – Pinapamyenda ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang “conjugal assets” sharing sa mga mag-asawa.
Sa House Bill 5268 na inihain ni Alvarez, ang mga mag-asawang walang prenuptial agreement o marriage settlement ay sasailalim sa sistema ng absolute community o co-owned equal shares.
Ibig sabihin, ang mga mag-asawang walang kasunduan pagdating sa kanilang mga assets ay otomatiko na ang total separation of property at hindi na maituturing na iisa o conjugal sharing.
Layunin ng panukala na maiwasan ang alitan sa mga “estranged couples ” o mga magasawang hindi na maganda ang pagsasama pagdating sa mga pag-aaring nabili habang mag-asawa pa.
Ayon kay Alvarez, mas lalo lamang nagpapalalim ng hidwaan ng mga mag-asawa ang usapin pagdating sa conjugal assets.
Sa ilalim ng bagong sistema, hindi na kailangang ipag-paalam sa partner o asawa kung gustong i-enjoy, i-dispose, kunin, o gamitin ang kanyang property gayundin ang pagkakaroon ng separate earnings.
Facebook Comments