MIAA,naghahanda na para sa semana Santa

Manila, Philippines – Naghahanda na ang Manila International Airport Authority sa nalalapit na pagdagsa ng mga pasahero sa paliparan kaugnay ng Semana santa.
 
Ayon sa MIAA, maglalagay sila ng mga information at assistance desk para umalalay sa mga pasahero sa NAIA Terminals.
 
Magdadagdag din ng mga tauhan sa airport ang PNP-Aviation Security Group at Airport Police Dept. para sa seguridad sa labas at loob ng paliparan.
 
Samantala, nangako rin ang local airlines na magtatalaga sila ng mas maraming tauhan sa check in counters para maiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero.
 

Facebook Comments