Hindi dapat tuluyang magpakampante ang mga Cebuano kahit pa nakikitaan na ng pagganda ng datos ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Ranjit Rye na dapat ipatupad ang conservative approach kapag magluluwag ng quarantine restrictions.
Ani Rye, dahil sa mabilis na hawaan bunsod ng Delta variant mabilis ding ma-reverse ang gains na ating nakukuha.
Kahapon kasi naitala ang less than 1 na reproduction number sa Cebu na nangangahulugang bumaba ang hawaan o transmission ng virus.
Pero hindi nangangahulugang dapat nang magpakampante ang mga Cebuano bagkus dapat ipagpatuloy ang mga hakbang upang tuluyang matuldukan ang hawaan.
Sa ngayon, nasa ilalim ng mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine ang Cebu hanggang September 7 kahalintulad ng Metro Manila.