Kasado na ang isasagawamg initialization ng Consolidation and Canvassing System (CCS) na gagamitin ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress.
Ang naturang CCS ay gagamitin para sa pagbibilang ng boto ng mga kandidato sa Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Batay sa abiso ng Kamara, isasagawa ang pagpapasimula ng canvassing sa Iika-9 ng Mayo sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Tinitiyak ng Kamara na magiging maayos ang ilalatag na seguridad, ang pagiging episyente sa araw ng halalan at ang pangangalaga sa integridad ng mga boto.
Bago ito ay nagdaos din ng pulong ang house secretariat upang isapinal ang paghahanda para sa canvassing ng boto.
Sa CCS kukunin ang certificate of canvass na ita-transmit ng mga probinsya at highly urbanized cities para sa boto ng presidente at bise presidente.