CONSTITUTIONAL | Petisyon kontra sa implementasyon ng K-12 program, ibinasura

Manila, Philippines – Ideneklara ng Supreme Court (SC) bilang constitutional ang K-12 program

Inalis din ng Korte Suprema ang temporary restraining order sa hindi pagsama ng Filipino at panitikan bilang core courses sa college curriculum.

March 2015 nang maghain ng petisyon sa kataas-taasang hukuman ang petitioners para hilingin na suspendihin ang implementasyon ng K-12 program


Kabilang sa petitioners ang Coalition for the Suspension of K to 12, Suspend K to 12 Alliance, at the Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges in the Philippines (COTESCUP).

Sa kanilang petition for certiorari, tinukoy na respondents ang Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Commission on Higher Education (CHED).

Iginiit ng petitioners na hindi napapanahon ang pagpapatupad ng K-12 program dahil hindi pa raw handa ang bansa lalo na at kulang sa mga guro, textbooks at pasilidad.

Nababahala rin sila na mawalan ng trabaho ang 80 thousand na teaching at non-teaching personnel sa mga kolehiyo at unibersidad.

Taong 2016 nang simulang ipatupad ng gobyerno ang programa kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang high school.

Facebook Comments