NILINAW | PNP muling iginiit na hindi kalakaran ang sex for freedom sa kanilang hanay

48

Manila, Philippines – Nilinaw muli ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi kalakaran sa Philippine National Police ang sex for freedom.

Ayon kay Albayalde, hindi bahagi ng kanilang kultura ang ganitong kabulastugan.

Isolated cases lamang aniya ang nai-report na panghahalay ng dalawang pulis sa Quezon City matapos na ireklamo ng isang babaeng hinuli nila dahil sa illegal gambling.

Sa ngayon ay nakakulong pa rin ang dalawang pulis Quezon City na inireklamo ng panggagahasa.

Tiniyak rin ni Albayalde na nagpapatuloy ang kanilang internal cleansing program upang tuluyang malinis sa mga tiwaling pulis.

Facebook Comments