Construction at factory workers, binigyan ng coupons ng Cainta, Rizal Government

Nilinaw ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na magiging organisado ang pamamahagi ng mga coupons sa lahat ng mga residente kung saan tatapusin muna niya ngayong araw ang natitirang distribution ng mga bigas at de lata sa mga transport groups na pinaaabot sa kanilang mga Presidente Town Wid at isusunod naman ng alkalde ang pagbibigay mg coupons sa mga construction at factory workers.

Ayon kay Mayor Nieto alas-10 kaninang umaga, umikot ang Road Clearing Team sa Eastbank at Westbank Floodway para mamigay ng coupons sa  mga construction workers at factory workers na natigil ang kanilang  trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kaya bibigyan din sila ng ayuda.

Paliwanag ng alkalde, ang Eastbank at Westbank Floodway ay maraming nakatirang trabahante kaya doon niya inuna ang pagbibigay ng tulong.


Aniya bukas, Sabado, sa ganap na alas-10 ng umaga, ang Barangay San Andres at Barangay San Juan ang mamimigay naman ng mga ayuda sa mga construction at factory workers base sa mga coupons na pinakalat niya ngayong araw pagkatapos ay isusunod nito ang mga natitirang barangay.

Dagdag pa ni Mayor Nieto, habang namimigay ng coupons ang Clearing Team, mag-re-refill na rin ang General Services Office ng alcohol sa mga nakatira doon kung saan pinakiusapan ng alkalde na ihanda ang mga lalagyan ng alcohol.

Itutuloy din, aniya, ang misting at fumigation sa lahat ng mga barangay ngayong araw pati na rin ang pamimigay ng vitamins sa mga senior citizen.

Tuloy rin ani ng alkalde ang cooked food distribution sa 6,000 katao sa buong Cainta, Rizal kung saan ang mga barangay pa rin umano ang gagawa nito at ibibigay nila house to house.

Facebook Comments