Mistulang ginawa umanong gatasan o milking cow ang National Center for Mental Health(NCMH) ng dating Chief administrative officer nito na si Clarita Avila. Si Avila ay 30 taong nanatili sa kanyang poder sa Ospital at nagkamal ng milyun-milyong piso bilang high ranking executive.
Ito ay batay sa records na nagpapakita na ang pinakamalaking kanyang nasamsam ay may kinalaman sa Octant builders.
Noong 2014 ang Octant builders ang siyang nanalong bidder sa serye ng mga proyekto Kabilang na ang installation ng solar street lights sa NCMH complex na nagkakahalaga ng P14,972,046.67. Bahagi lamang ito ng kabuuang halaga na nakolekta ng Octant Builders sa NCMH.
Ito rin ang mga dahilan kung bakit nahaharap ng graft at malversation case sa Office of the Ombudsman (OMB) ang dating opisyal na ayon sa mga Insiders ito marahil ang dahilan kung bakit gumagawa ng kontrobersiya si Avila para mailihis ang atensiyon ng publiko.
MANUFACTURED CHAOS
Matatandaan na Abril nitong kasalukuyang taon ay iniutos ng Department of Health(DOH) ang paglipat kay Avila sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City. Noong mga panahon din na iyon ay nag-akusa siya na kaya siya ililipat ay dahil sa kanyang Facebook post na tumutuligsa sa NCMH administration.
Aniya, pinapapasok ang NCMH’s health care workers kahit walang Personal Protective Equipment (PPE) sa gitna ng COVID-19 crisis. Sabi niya sa FB post: “Others are afraid to report because they don’t have PPE . We lack the logistics. We lack the supplies to protect them. Parang pupunta sila sa giyera na wala naman silang baril (It’s as if they’re going to war sans guns).”
Kalaunan ay napag-alaman na mali ang akusasyon ni Avila dahil ang NCMH ay mayroong sapat na suplay ng PPEs. Gayunman, kalaunan ay nauwi sa pagkakalantad ng multiple cases na isinampa laban kay Avila ang naturang insidente.
CONSTRUCTION SCAM
Napag-alaman din na ang Accounting, Personnel, Budget, Cashier, at Bids and Awards Committee(BAC) department’s ay nakapaloob sa administrative service office na noo’y pinangangasiwaan ni Avila.
Sa kasawiang-palad ay sinamantala umano nito ang kanyang posisyon para manipulahin ang kalalabasan ng serbisyo, produkto at infrastructure projects.
Noong 2014, ang NCMH ay may ibat-ibang construction projects na kinakailangang gawin sa loob ng complex. Ang Octant Builders ang pinangalanang winning bidder ng kontrata na may approved budget na P189,700,000.
Kabilang sa mga proyektong ito ay ang solar street lights project. Nabatid na sa una ay mababa ang isinusumite na bid ng Octant Builders però kalaunan ay imo-modify nito ang ilang partikular n elemento ng proyekto para madagdagan ang halaga nito.
Nabatid din Kalaunan na si Avila pala ay isa sa mga incorporators ng Octant Builders, na ang tanggpan ay matatagpuan sa 581 Wack Wack Road sa Barangay Greenhills East, Mandaluyong City.
Batay sa company’s Articles of Incorporation — na nakuha sa Securities and Exchange Commission (SEC) — nagpapakita na mayroon itong limang incorporators. Kabilang sa mga ito ay si “Clarita S. Aguilar” na may 2,500 shares na nagbayad ng subscribed amount na P250,000.
Nakumpirma rin sa records na si “Clarita S. Aguilar” at Avila ay iisa at kaparehong tao. Sa katunayan may mga published articles mula sa reputable media outlets ang tumutuloy kay Avila bilang si refer Avila “Clarita Aguilar.” Ang apilyedong “Aguilar” ay ginagamit ng mga anak ni Avila.
Sa isang artikulo noong July 2019 ng online website ng isang malaking TV network ay inilathala ang balitang binayaran para sa proyekto ang Octant Builders sa kabila na kulang -kulang ang mga dokumento na isinumite nito para suportahan ang disbursement vouchers. Ang mas masaklap pa ay hindi naman talaga naideliver ang 2014 multimillion-peso construction project.
Noong 2019, nakumpirma ng NCMH na ang Pavilion 6, na isa sa mga istruktura ay dapat naitayo noon pang 2014 però hanggang ngayon ay hindi pa nagagamit.
Maliban kay Avila, Ilan pa sa mga NCMH officials ay pinangalanang respondents sa naturang kaso kasama na ang presidente ng Octant Builders na si Rowena Manzano.
MULTIPLE CASES
Batay din sa record, hindi bababa sa pitung kaso ang kinakaharap ngayon ni Avila, maliban pa ito sa graft at malversation, siya ay inasunto rin ng nepotism, serious dishonesty, at falsification of documents. Ang Ombudsman ang humahawak sa limang kaso habang ang DOH Legal Service ang may hawak sa dalawang iba pa.