Construction worker, arestado matapos mag-amok sa QC

Arestado ang isang construction worker matapos mag-amok sa loob ng isang restaurant sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Dennis Villanueva, 29-anyos.

Ayon sa waitress sa kainan, pumasok si Villanueva at umorder pa ng alak nang kunin nito ang dala niyang itak na kaniya pang iwina-wasiwas.


Nang ibinalik na ni Villanueva ang itak sa kanyang bag at bumalik sa pagkakaupo, bigla itong hinampas sa ulo ng isang lalaki na nasa loob rin ng restaurant.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang iba pa para dambahin at suntukin ang suspek.

Narekober naman kay Villanueva ang kaniyang itak at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments