Lalaki, huli matapos mandukot ng bata sa Navotas

Navotas City – Kalaboso ang isang lalake matapos tangkaing dukutin ang isang dalawang taong gulang na batang babae sa Navotas.

Nakilala ang suspek na si Atoy Reyes na patuloy na iniimbestigahan.

Ayon sa Navotas City Police, nakita ng isang babae na kinuha at isinakay ng suspek ang bata sa jeep.


Agad itong isinumbong ng nakasaksi at ang ama ng bata sa mga lokal na opisyal dahilan para mahuli ang suspek.

Facebook Comments