Construction Worker, Dinakip sa Kasong Serious Physical Injuries

Cauayan City, Isabela- Isinilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto sa construction worker bandang 12:30 kaninang tanghali sa Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela para sa kasong Serious Physical Injuries.

Kinilala ang akusado na si Alexander Yango, 51 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng PNP Benito Soliven at PNP Cauayan ang warrant of arrest ng akusado matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Mary Jane Socan Soriano, MTCC Cauayan City sa ilalim ng Criminal Case No. 13-156.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalagang P2,000.00

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang akusado bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments