Binata, Arestado matapos batukan ang isang Bata

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito bandang 9:00 kaninang umaga sa Brgy. Faustino, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Charlie Aquino, 23 anyos, construction worker at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, ipinalabas ni kagalang-galang hukom Raul Babaran ng RTC Br. 19 Cauayan City ang warrant of arrest nito sa kasong Child Abuse sa ilalim ng Criminal Case No. 19-12568.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ni Aquino kung makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P80,000.00

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cauayan ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments