Construction Worker, Huli sa Kasong Bigong Pagpatay!

25

Ramon, Isabela- Timbog ang isang lalaki ng pinagsanib pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Santiago City at Ramon Police Station sa bisa ng warrant of arrest sa kasong bigong pagpatay.

Kinilala ang akusado na si Joseph Abuan,32 anyos, walang asawa, construction worker at residente ng Purok 4 Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Ipinalabas ni hukom Nicasio Bautista III ng RTC Branch 21 Santiago City ang mandamiento de aresto ni Abuan na nagresulta sa kanyang pagkadakip.

Inirekomenda naman ng korte ang halagang P72,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG Santiago City ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments