Daniel Padilla hindi nireplyan si Alden Richards

442
Image via official Instagram accounts

Inamin ni Daniel Padilla na hindi siya sumagot sa text message na pinadala ni Alden Richards bago magsimula ang taping ng pelikulang “Hello, Love Goodbye.”


Katambal ni Alden ang kasintahan ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Sa panayam ng PEP.ph, hindi sinabi ni Daniel kung ano ang mensahe ng Kapuso actor.

“Iisipin mo, anong ire-reply ko sa isang text na ganoon?”

“Para sa akin, sa personal na lang ako. Ayaw ko na lang sabihin sa inyo kung anong sasabihin ko pero I prefer a personal meet-up,” tugon ni Padilla.

Naninibago rin ang matinee idol na hindi niya kapareha si Kathryn sa mga ginagawang proyekto.

“Noong simula, sabi ko hindi ka pa talaga sanay. Hindi ka ready, pero kailangan mong intindihin at kailangan mo suportahan ‘yung ginagawa ng nobya mo dahil hindi rin naman biro ‘yung pagod na binibigay niya du’n.”




Alam ni Daniel na makabubuti ang “growth of career” sa real-life love team partner.

“So kinailangan kong maintindihan ‘yun. May mga kailangan tayo, mga risk na kailangan gawin. Nandoon ako. Hundred percent support, siyempre. That’s mi amor. Walang problema.”

Wala pang anunsyo ang Star Cinema kung kailan ipapalabas sa sinehan ang pelikula.

Facebook Comments