Construction worker, kritikal matapos saksakin sa Parañaque

Manila, Philippines – Sugatan ang isang construction worker matapos saksakin sa may lungsod ng Parañaque.

Inoobserbahan sa philippine general hospital ang 38 anyos na si Jesus Alegado dahil sa tinamong sugat sa leeg.

Batay sa report ng Parañaque City Police, naglalakad lamang ang biktima sa Cubic Side Brgy. Merville nang biglang lapitan at undayan ng saksak sa leeg.


Posibleng napagtripan lang ng suspect na ngayo’y hawak na ng mga otoridad.

Inaalam pa ng pulisya kung may CCTV camera sa lugar para makatulong sa imbestigasyon.

Facebook Comments