Construction worker na ikatlong winner ng bisekleta, tinuturing niyang isang regalo sa kanyang kaarawan

Ikinatuwa ni Alberto Acosta nang matanggap niya ngayong araw ang isang bisekleta, matapos itong manalo sa isang pa-raffle ng ng DZXL Radyo Trabaho.

Ayon kay Acosta, na isang construction worker at taga-Taguig, hindi niya inaakala na mananalo siya dahil alam niyang maraming sumali sa nasabing pa-raffle.

Itinuturing niya ito na isang malaking regalo dahil katatapos lang ng kanyang ika-39 na kaarawan kahapon.


Kwento niya noong namimigay ng raffle tickets ang DZXL Radyo Trabaho team ay abalang-abala siya sa paglalaro ng online games.

Aniya, sumama lang siya na mag fill out ng raffle ticket noong mapansin niyang nagkakagulo na ang kanyang mga kasama sa trabaho sa pagpirma ng nasabing raffle ticket.

Sabi niya, dahil stay-in at may service siya sa trabaho, ireregalo rin niya ang napanalunang bike sa kanyang anak na nasa Bicol ngayon na malapit na ring magdiwang ng kaarawan.

Facebook Comments