Construction Worker na lumabag sa VAWC Law, Arestado!

38

*Burgos, Isabela- *Timbog ang isang construction worker matapos silbihan ng Warrant of Arrest bandang alas syete kagabi, Enero 23, 2019 sa Brgy Raniag, Burgos, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jerry Joy Indac , 25 anyos at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, hinuli si Indac sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Anarica J Castillo- Reyes Jr. ng RTC Br 88 ng Baloc, Sto Domingo, Nueva Ecija dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Dinala na sa Burgos Police Station ang akusado para kaukulang dokumentasyon bago iturn-over sa Muñoz Police Station, Muñoz, Nueva Ecija para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers