Construction Worker na Nanaksak ng Estudyante, Arestado!

Gamu, Isabela- Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang isang construction worker matapos nitong saksakin ang isang estudyante sa brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Kevin Preza, 17 anyos, grade 12 student samantalang kinilala naman ang suspek na si Nestor Taneza, 56 anyos, Construction worker at mga pawang residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Police Senior Superintendent Richard Limbo, Acting Chief of Police ng PNP Gamu, sinabi nito na nag-iinuman umano ang biktima kasama ng kanyang anim na kaibigan sa bahay ng kanyang lola pagkatapos ng kanilang graduation at nataon namang dumaan ang anak ng suspek na kinilalang si Mark Kevin Tenaza at tinawag ito upang tumagay.


Dagdag pa ni PSI Limbo, dali dali umanong umuwi ang anak ng suspek na iba ang naging pagkaunawa sa pagtawag sakanya ng biktima at nagsumbong sa kanyang tatay.

Napagkamalan umano ng anak ni Nestor Taneza na pinagtripan sya ng grupo kayat nagsumbong sa kanyang tatay na dali dali namang sumugod na dala ang kutsilyo at bigla namalang sinaksak si Preza.

Agad namang isinugod sa pagamutan si Preza na nagtamo ng tama ng pananaksak sa kanyang dibdib at tinangka naman umanong tumakbo ng suspek ngunit agad ding nadakip ng kapulisan.

Facebook Comments