KAILAN KAYA? | Eksaktong petsa ng kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia, nananatili pa ring secret

Manila, Philippines – Kahit nagsimula nang mag-count down si Billy Crawford para sa kasal nila ni Coleen Garcia nananatili pa ring secret ang eksaktong petsa ng pag-iisang dibdib ng dalawa.

Sa bagong online post ni Billy na kanyang solo picture, nagpahiwatig ito para sa isang event kasama ang kanyang “mga boys” ngayong araw with hashtag billyistakenforever at mrbillygarcia.

Una rito ay naging kontrobersyal ang prenup photos ng dalawa na kuha sa Ethiopia.


Binatikos sina Billy at Coleen ng ilang netizens dahil sa pictures nila kung saan makikita ang ilang Ethiopian locals na nakapalibot sa kanila o kaya naman ay nasa kanilang likuran na nagmistulang props.

Pero ayon kina crawford At Garcia, mismong ang Ethiopian airlines ang nag-imbita sa kanila na doon gawin ang prenup shoot para maipakita ang kanilang kapaligiran at makatulong sa turismo at ekonomiya.

Facebook Comments