Construction Worker na Regional Top 10 sa Iligal na Droga, Timbog

65

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga awtoridad ang isang construction worker na kabilang sa Regional Top 10 Illegal Drug Personality High Value Target matapos makuha sa aktong pagbebenta ng iligal na droga sa isang operatiba sa Brgy. Mararigue, San Manuel, Isabela, kahapon.

Kinilala ang suspek na si Michael Oribillo, 29 anyos, binata at residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.


Batay sa imbestigayson ng PNP San Manuel na pinangunahan ni P/Capt. Ronald Suyu, inaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng PIB, Isabela Police Prov’l Office, PNP Gamu at PDEA Region 2 na nagresulta sa pagkahuli ni Oribillo matapos nitong mapagbentahan ng shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer sa halagang P500.00.

Nakumpiska naman sa pag iingat ng suspek ang anim (6) na pakete ng pinaniniwalaang shabu at P1,000.00.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng kapulisan.

Facebook Comments