Construction Worker na Top 5 Municipal Level, Huli sa kasong VAWC

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang construction worker na Top 5 Municipal Level matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kaninang tanghali sa Brgy. Santa Monica, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jerald Martin, 28 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Echague, dinakip ng mga kapulisan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC BR. 24 Echague Isabela sa kasong RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa ilalim ng criminal case no. 24-3024.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito na nagkakahalaga ng (P2,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments