Retrieval Operations sa katawan ng 20 anyos na Lalaki , Nagpapatuloy

153

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy pa rin ang isinasagawang retrieval operation ng mga awtoridad katuwang ang Rescue 802 ng San Guillermo at PDRRMC upang mahanap ang katawan ng isang magsasaka matapos itong malunod sa kahabaan ng Colorado River na sakop ng Brgy. Colorado, San Guillermo, Isabela.

Matatandaang naiulat kahapon ang nangyaring insidente ng pagkalunod sa biktima bandang alas nuebe y media kahapon.

Kinilala ang biktima na si Adrian Urbano, 20 anyos, binate at residente ng Brgy. Villa Sanchez sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Guillermo, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang dalawang kapatid upang kumuha ng tanim na herbal at ilang sandali pa ay nagdesisyon na maligo ang dalawang kapatid nito sa ilog at nang marating ang kabilang pampang ay agad sinundan naman ng biktima ang mga ito para maligo rin at nang marating ang gitnang bahagi ng ilog ay dito na nalunod ang biktima.

Umaasa naman ang pamilya ng biktima na matatagpuan ang katawan ng kanilang kaanak.

Facebook Comments