Construction Worker na Tulak ng Marijuana sa Jones Isabela, Arestado!

Jones, Isabela – Matagumpay na naaresto kahapon ang isang construction worker matapos na makuhanan ng ipinagbabawal na marijuana sa Sa Brgy. San Vicente, Jones, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station, kinilala ang suspek na si Melvic Gumpal Bulan, dalawampu’t isang taong gulang, binata, construction worker at nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PCI Pascua ipinaabot umano ng isang impormante na ang suspek ay nagmamaneho ng isang motor sa kahabaan ng provincial road patungong poblasyon ng Jones na may dalang marijuana.


Kaagad naman umano na nagsagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng PNP Jones sa pangunguna ni Police Inspector Nomer Puerto, Deputy Chief of Police ng nasabing himpilan at matagumpay na nahuli ang suspek.

Idinagdag pa ni Police Inspector Pascua na nakuha sa pag-iingat ni Bulan ang ang isang rolled dried marijuana na dinala kaagad sa himpilan ng pulisya maging ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments