Isang Beautician, Timbog sa Pag-iingat ng Droga!

*Cabatuan, Isabela*- Nahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang Beautician matapos matimbog dahil sa pag-iingat nito ng iligal na droga sa brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Rizal Borromeo, kwarentay syete anyos, walang asawa, isang beautician at residente ng brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga otoridad si Borromeo matapos mahulihan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang pag-iingat.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cabatuan ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments