Construction Worker na Wanted sa Batas, Natimbog sa Ramon, Isabela!

33

* Ramon, Isabela- *Arestado kaninang alas otso ng umaga ang isang construction worker matapos masampahan ng kasong Slight Physical Injury sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, kinilala ang nadakip an suspek na si Joseph Bingayen Abuan, trenta anyos, binata at residente rin ng nasabing lugar.

Si Joseph ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ni hukom Rodrigo Pascua ng MCTC Ramon-San Isidro Isabela dahil sa kaso nitong Slight Physical Injury.

Pansamantalang makakalabas sa selda si Joseph kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang anim na libong piso.

Facebook Comments