Top 8 Most Wanted Person sa Ilagan City, Isabela, Bagsak na sa Kulungan!

123

Ilagan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang lalaking Top 8 Most Wanted sa Lungsod ng Ilagan matapos itong maaresto sa Brgy. Marana 2nd ng nasabing Lungsod.

Kinilala ang suspek na si Roy Paolo Portera Calatayud, bente kwatro anyos, binata at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip si Calatayud sa isinilbing madamiento de aresto ng PNP Ilagan na inihain ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kaso nitong Child Abuse.

Siya ay pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang walumpong libong piso.

Facebook Comments