Construction Worker, Patay matapos Magulungan ng Dump Truck

29

Cauayan City, Isabela-Patay ang isang construction worker matapos magulungan ng dump truck dakong 7:15 kaninang umaga sa National road, Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela partikular sa harap ng isang mall.

Kinilala ang nasawing biktima na si Arthur Fernandez, 49-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Naganacan, Cauayan City.


Habang ang suspek na sakay ng Dumptruck ay nakilalang si Jazper Flores, 18-anyos, binata at residente ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng truck driver ang hilagang direksyon ng daan gayundin ang biktima lulan naman ng kanyang motorsiklo ng mawalan ng kontrol ang driver ng motor at masagi ang gulong ng dumptruck at dito aksidenteng pumailalim ito at magulungan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek at truck na minamaneho nito para sa kaukulang pagsisiyasat at dokumentasyon.

Facebook Comments