Halos 3,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

41

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 2,921 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

293 naman ang bagong gumaling at 42 ang bagong binawian ng buhay.


Tumaas naman sa 37,093 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na ang total COVID cases sa bansa sa 574,247 habang ang total recoveries ay 524,865.

12,289 naman ang kabuuang binawian mg buhay sa bansa dahil pa rin sa nasabing virus.

Facebook Comments