Construction worker, patay nang makuryente at mahulog sa gusali sa Quezon City

Quezon City – Patay ang 28-anyos na construction worker na si Jeffrey Aguas nang makuryente at nahulog mula sa ika-limang palapag ng gusali sa Barangay Balingasa, Quezon City.

Batay sa inisyal na ulat ni PO1 Noel Bautista, desk officer ng QCPD PS1, Laloma Police Station, pasado 8:30 kaninang umaga, habang pasan ni Aguas ang kabilya nang aksidente itong dumikit sa high tension wire na nagsanhi para ito ay makuryente at nahulog mula sa 5th floor ng gusali.

Hindi na naisugod sa pagamutan si Aguas dahil agad na binawian ng bihay dulot ng matiding pagkabagok ng kanyang ulo.


Facebook Comments