Construction Worker, Patay nang Matabunan ng Lupa!

*Santiago City-* Patay na ng iahon mula sa hukay ang isang construction worker matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang pundasyon ng mall ng Camella sa Batal, Santiago City.

Nakilala ang nasawi si Christopher Laman Bueno, 30-anyos, may-asawa at residente ng Purok 3, Bayabu, Tumauini, Isabela habang sugatan naman ang kanyang kasamahan na masuwerteng nakaahon agad.

Una rito, habang ginagawa ng mga biktima ang putting ng steel bar ng nasabing pundasyon na gagawing mall ng nasabing subdivision ay hindi nila napansin na malambot ang naturang lupa na nahukay ng backhoe na sanhi ng pagguho ng lupa na tumabon sa mga biktima.


Sa ngayon, ginagamot na sa isang ospital sa nasabing Lungsod ang mga nasugatan.

Facebook Comments