Construction worker, patay nang paluin ng pala sa Maynila

25

San Andres, Maynila – Patay ang isang construction worker matapos pagpapaluin ng pala sa San Andres Maynila.

Batay sa report ng MPD homicide section, umakyat sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali sa A. Francisco St. corner Onin St. San Andres Maynila ang suspek na si Isagani Tano, 36,tubong Northern Samar saka pinagpapalo ng pala habang natutulog ang biktima na si Jun Velasco Piloton, 26, tubong North Signal Village Taguig.

Isinugod pa sa ospital si Piloton pero idineklaran na itong patay.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa nangyaring pagpatay.

Facebook Comments