Gilas Pilipinas, panalo kontra Qatar sa FIBA Asia Cup 2017

86

Sports – Nanguna ang Gilas Pilipinas sa group B ng preliminary stage ng FIBA Asia Cup 2017 matapos talunin ang Qatar sa iskor na 80-74.
Naging bida sa panalo ng Gilas sina Matthew Wright na may 11 points habang mayroong 10 points si Carl Bryan Cruz.
Hindi naman pinaglaro si Filipino-German player Christian Standhardinger habang nagtamo ng injury sa kaniyang paa si Calvin Abueva sa second quarter.
Dahil sa panalo, hihintayin na lang ng Gilas ang mananalo sa pagitan ng Japan at South Korea na maglalaban ngayong araw para sa kanilang quarterfinal round.

Facebook Comments