
Sugatan ang isang construction worker matapos madaganan ang minamaneho niyang elf truck sa Longboan Alley, Gibraltar, Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Bryan Decca Pacio, 40 anyos, at residente rin ng nasabing barangay.
Batay sa ulat ng pulisya, pinaandaran ni Pacio ang trak at bumaba upang tanggalin ang kalso sa gulong nang bigla umanong umabante ang sasakyan hanggang sa mahulog ito sa isang bangin na may lalim na 10 metro.
Ayon sa imbestigasyon, nakaparada ang trak sa gilid ng kalsada bago ang insidente.
Agad namang tinulungan ng asawa ng biktima at ng isang taxi driver si Pacio at dinala siya sa ospital.
Sa pinakahuling ulat ng pulisya, nananatili pa rin sa ospital si Pacio at patuloy na ginagamot.
Facebook Comments









