Construction Worker sa Echague Isabela, Huli na Gumagamit ng Shabu!

Echague, Isabela – Naaktuhang gumagamit ng shabu at naaresto ang isang manggagawa sa Echague habang nakatakas ang kasama nito matapos ang isinagawang operasyon ng kapulisan sa Brgy. Cabugao, Echague Isabela kaninang madaling araw.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, kinilala ang nadakip na si Richard Batarao, may asawa, tatlumpu’t dalawang taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Samantala ang nakatakas ay si Roger Blas, nasa wastong taong gulang at residente ng Brgy. Plaridel, Santiago City.


Unang ipinarating ng isang concerned citizen sa kaspulisan ang umanoy path session ng mga suspek sa sementeryo ng nasabing lugar.

Sa pagresponde ng mga pulis ay naaktuhan ang dalawa na gumagamit ng droga at narekober kay Batarao ang isang pakete ng shabu, labing-apat na aluminum foil strips at dalawang lighter.

Dinala sa Echague Police Station si Richard Batarao para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon samantalang patuloy na tinutugis ang nakatakas na si Roger Blas.

Facebook Comments