NANLABAN | 2 drug suspek patay sa buy-bust operation sa Biñan Laguna

Laguna – Patay ang dalawang drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Biñan City Laguna kaninang madaling araw.

Ayon kay PNP CALABARZON Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran alas-4:30 ng umaga kanina nang isagawa ng mga tauhan ng Biñan City Police Office ang operasyon sa Sitio Lawa, Barangay Canlalay, Biñan City, Laguna.

Sa report pagkatapos na maibenta ng mga suspek sa police poseur buyer ang kanilang droga ay nanghinala sila mga pulis ang kanilang ka transaksyon dahil dito agad itong nagtatakbo patungo sa kanilang bahay ang mga susek.


Sa kabila ng sigaw ng mga pulis na huminto sila ay pinagbabaril pa nila ang mga pulis dahil dito gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang unit ng 38 cal revolver, 1 unit ng 9mm pistol, ibat ibang empty shells at live ammo, at ilang sachets ng illegal drugs at drug paraphernalia.

Nagsagawa agad ng crime scene investigastion ang SOCO mula sa Regional Crimelab office ng Region 4A.

Facebook Comments