Construction Worker sa Ramon Isabela, Nagpakamatay!

362

Ramon, Isabela – Natagpuang nakabitin sa loob ng kwarto kahapon ang isang construction worker dahil lamang sa umano’y problema sa pamilya sa Purok 1 Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang nagpakamatay na si Artemio Valencia Tablang Jr., 34 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP Ramon ay napag-alaman na nakita umano ng pamangkin ng biktima na si Aliza Cortes Tablang sa bintana ng kwarto nito na nakabitin na gamit ang lubid na kaagad namang ipinaalam sa kapamilya nito ngunit hindi rin naisalba ang buhay ni Tablang.

Kaugnay nito, nabatid rin ng mga otoridad na maaring may kinalaman ang pagpapakamatay ni Tablang sa pag-abroad ng kaniyang asawa dahil sa nanggulo pa umano ang biktima sa pamilya ng kaniyang asawa na nasa Santiago City bago ang araw ng kaniyang pagpapakamatay.

Nagpasya naman ang pamilya ng biktima na huwag na umanong imbestigahan ang nangyari dahil sa ayaw na umano nila na lumaki ang naganap na pagpapatiwakal ni Tabang.

Facebook Comments