Construction Worker sa Santiago City, Timbog sa Buy Bust!

60

Arestado ang isang construction worker matapos itong mahuli sa pagbebentanng iligal na marijuana kahapon partikular sa brgy. Plaridel, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Mark Feliciano Delos Reyes, 22, walang asawa, construction worker at residente sa naturang lugar.


Nadakip ang suspek matapos mapag-alaman ang iligal na gawain nito kayat nagsagawa ng operasyon kontra droga ang mga otoridad.

Nakabili naman ang pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops kapalit ang tatlong daang piso na ginamut na buy bust money.

Agad namang dinakip ang suspek at dinala sa kustodiya ng Santiago Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon at bago isinailalim sa inquest proceedings.

Facebook Comments

From Advertisers