Construction worker, sugatan matapos mabagsakan ng pader sa Bacolod

124

Bacolod City – Sugatan ang isang construction worker matapos matabunan ng bahagi ng pader ng ginagawang gusali sa Barangay 4, Bacolod City.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktimang si Kirby Causing na nagtamo ng mga sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.


Ayon sa kasamahan ni Causing na si Manuel Zubiri, naghuhukay sila sa isang bahagi ng ginagawang gusali nang bumagsak ang pader na nasa 12 talampakan.

Paliwanag naman ng foreman na si Emer Genobis, sinusubukan nilang tanggalin ang itaas na parte ng pader para ipantay ito sa bagong gusaling ginagawa pero biglang nag-collapse ang pader.

Facebook Comments