Notoryus na mandurukot, arestado sa Parañaque!

51

Parañaque City – Naaresto na ang notoryus na snatcher sa Parañaque City na nambibiktima ng mga pasahero ng jeep sa Roxas Boulevard.

Una nang nag-viral sa social media ang video ng pang-hahablot ng cellphone ng suspek na si Justine Pilapil, 22-anyos nang mahagip ng dash cam ng isang motorista.


Ayon kay Police Lieutenant Jerry Gelisanga, commander ng Police Community Precinct 2 ng Parañaque, naaresto si Pilapil nang matagpuan ng mga pulis na tila nag-aabang muli ng mga mabibiktimang pasahero.

Aniya, nakasukbit pa sa baywang ni Pilapil ang isang improvised na baril.

Dating catering crew ang suspek pero natanggal sa trabaho dahil nahuling nangungupit.

Labas pasok na rin siya sa kulungan dahil rin sa kasong theft.



Kinasuhan ng paglabag ng Omnibus Election Code ang suspek kasabay ng umiiral na election gun ban.


Facebook Comments