Construction Worker, Sugatan Matapos Umanong Barilin ng mga Kalalakihan

31

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang lalaki matapos di umano’y barilin ng kalalakihan sa Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Raymart Ramos, 28 taong gulang, walang asawa, construction worker at residente ng Brgy. Bliss Village sa Lungsod ng Ilagan.


Una rito, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa isang concerned citizen kaugnay sa komosyon na nangyayari umano sa naturang lugar na agad namang nirespondehan ng kapulisan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hinabol umano ng hindi pa matukoy na pagkakakilanlan ng mga kalalakihan ang biktima at binaril sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan at tuhod na sanhi ng kanyang pagbagsak sa lupa.

Agad umanong tumakas ang mga suspek matapos ang insidente habang dinala naman sa Isabela provincial Hospital sa Lungsod ng Ilagan ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga salarin.




Facebook Comments