Construction Worker, Timbog sa Buy Bust at paglabag sa Omnibus Election Code!

*Luna, Isabela- *Arestado ang isang Construction worker matapos kumagat sa inilatag na buy bust operation ng mga otoridad pasado alas nuebe kagabi, Enero 17, 2019 sa Brgy Puroc Linglingay, Harana, Luna, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Reymond Francisco, 28 anyos, binata at residente ng Brgy. Centro 2, Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Luna si Francisco matapos nitong bentahan ang isang police poseur buyer ng dalawang sachet ng hinihinalang marijuana sa halagang limang daang piso (P500.00).


Narekober mula sa suspek ang limang daang pisong buy bust money, isang kutsilyo at isang unit ng Cellphone.

Dinala na sa Luna Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments