Papalit sa kandidatura ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, pinangalanan na

Albay – Nilinaw ngayon ng pamilya Batocabe na wala pang opisyal na papalit sa kandidatura ng napaslang na si Ako-Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Dennis Batocabe, kapatid ng mambabatas, na napagkasunduan ng buong miyembro ng pamilya Batocabe na ang may bahay ng kongresita na si Gertrudes “Gertie” Batocabe ang pumalit rito.

Pero sa intewiew ng RMN Manila sa panganay na anak ni Batocabe na si Atty. Justine Batocabe, nilinaw nito na hindi opisyal ang naging pahayag ng kanyang tiyuhin at opinyon lamang ito ng kanyang pamilya.


Muling binigyan diin ni Atty. Justine na opisyal nilang ihahayag ang papalit sa kanyang namayapang ama, dalawang linggo bago ang halalan.

Una nang sinabi ng Comelec na maaaring palitan ang isang kandidato umatras sa eleskyon basta kaparehong apelyido nito.

Facebook Comments