Construction Worker, Timbog sa Droga!

67

*Santiago City- *Sinampahan na ng kasong may kinalaman sa section na paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang isang construction worker matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Patul Road, P-2, Rosario, Santiago City.

Nakilala ang suspek na si Macario Clarito Igonia, 43-anyos, binata, residente ng Patul Road, P-2 Rosario ng nasabing lungsod.


Nasamsam sa pag-iingat ni Igonia ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at marked money na P500 na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer na miyembro ng kapulisan.

Ang naturang operation ay pinagsanib na pwersa ng Santiago City Drugs Enforcement Unit o SDEU sa pangunguna ni P/Maj. Alexander Rodrigo at pinangunahan din ni P/Lt. Charlie Viernes sa supervision ni P/Maj. Reynaldo Maggay, Station Commander ng Santiago City Police Station 1.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt.Col. Melchor Ariola-Chief Police Community Relation Office o PCR ng Santiago City Police Office o SCPO ay Newly Identified ang naturang suspek sa pagtutulak ng Droga sa kalungsuran.

Facebook Comments

From Advertisers