Manggagawa, Arestado sa Paglabag sa RA 9262

*Echague, Isabela *– Nadakip ang isang manggawa dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 pasado 1:50pm kahapon sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Simproso Ragasa , 35 anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Brgy. Midtown Paddad, Alicia, Isabela.

Naaresto si Ragasa ng warrant server ng Echague Police Station sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24 para sa dalawang beses na paglabag sa RA 9262 o *”Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004″.*


Pansamantalang makakalaya ang ihinabla kung makakapaglagak ito ng piyansa na nagkakahalaga ng Php74,000,00 pesos.

Agad namang dinala ang akusado sa himpilan ng kapulisan ng Echague para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments