Consular Office ng DFA sa mga lugar na sakop ng extended ECQ ,nananatiling sarado

28

Nag-anunsyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mananatiling sarado ang kanilang passport division sa National Capital Region (NCR) , Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Kasunod ito ng pinaiiral na extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga nabanggit na lugar hanggang sa April 11, 2021.


Kabilang sa mga saradong Consular Offices ng DFA ay sa Aseana sa Parañaque City, Antipolo, Dasmariñas, Malolos at San Pablo.

Ang passport at authentication applicants naman na naka-schedule sa panahon ng extended ECQ ay aasikasuhin pagkatapos ng nasabing restriction.

Agad din na magpapalabas ng anunsyo ang DFA sakaling magkaroon ng mga pagbabago sa direktiba ng gobyerno.

Facebook Comments