Malawakang balasahan, ipinatupad sa PNP

42

Nagsagawa ng malawakang reshuffle sa mga opisyales ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa pinirmahang special orders nina Directorate for Personnel and Records Management o DPRM Director Pol. Maj. Gen. Ferdinand Daway at Chief of Directorial Staff Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz.


23 matataas na opisyal ang apektado ng balasahan kabilang ang 13 Heneral at 9 na Colonel.

Pangunahin sa naapektuhan ay si Pol. Maj. Gen. Emmanuel Licup na inalis na sa Directorate for Comptollership at ipinalit sa kaniya si PBGen. Rodolfo Azurin Jr., mula sa Directorate for Information, Communication and Techonology Management o DICTM.

Si Gen Licup ay magreretiro na nitong April 9.

Habang si PBGen. R’win Pagkalinawan ay inalis na din bilang Regional Director ng PRO CORDILLERA at ipinalit sa kaniya si PBGen. Ronald Lee mula sa PNP Drug Enforcement Unit (PDEG).



Ang bagong Director ng PDEG ay si PBGen. Remus Medina.


May bago na ring Regional Director sa PRO BAR sa katauhan ni PBGen. Eden Ugale kapalit ni PBGen, Samuel Rodriguez.

Ang ibang napasama naman sa reshuffle ay pawang mga Deputy sa iba’t ibang National Administration at Operations Unit ng PNP at mga Police Regional Offices.

Facebook Comments